Good Day! The title is not a typo error, this is really I want to title this article, why? Unang-una sinulat ko to ngayong Huwebes Santo at pangalawa may naalala na naman akong linya pagkatapos na naman naming panoorin ng family ko ang isa sa favorite movie naming "Evan Almighty". There's a line in the movie that I know everybody knows, it says, "I only do this because I love you". This is a very common line kung ang nagsabi sayo e kapwa mo tao rin, pero kung Diyos ang nagsabi sayo nito, hindi lang sa puso ito tatagos kundi hanggang kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit may Mahal na Araw, at wala nang iba, dahil sa labis na pagmamahal Nya sa tao sa simula pa lang nilikha Nya na tayo na kawangis Nya. Ngunit nang nagkasala ang unang tao, tuluyan nang nagsara ang langit para sa atin, at kahit ilang beses pa silang maghirap at mamatay di nila kayang bayaran ang kasalanan nila dahil sa bigat ng pinagkasalanan, remember kasama nila mismo ang DIyos kaya direkta silang sumuway sa harapan Niya.
Kaya sino ang pwedeng tumubos nito?, eh di ang Diyos din na lumikha sa kanila, pero bakit Nya gagawin yon, mababawasan ba ang pagka Diyos Nya kung di na muling makapasok ng langit ang tao. Maaring hindi, being Almighty, there's nothing in this world na makakabago non. Pero merong umaaapaw sa Diyos na naging dahilan kung bakit kailangan Nyang gawin na magkasatawang tao at mabayubay sa Krus, at ito ang labis na pagmamahal. Hindi mapagmahal ang Diyos, dahil sya mismo ang pagmamahal, maaring corny sa iba na nakikita nila kung saan saan ang katagang "God is Love", but it's true, He is the love, at dahil Sya ang pagmamahal sa kanya lang tayo pwedeng makakuha non para maging mapagmahal tayo sa kapwa natin.
Dahil tao ang nagkasala, sa natural na paraan ng tao Nya kailangan tubusin ang kasalanan, at ang pinaka mabigat na maaring mangyari sa tao ang niyakap Nya. Hindi lang basta mamatay kundi ang mamatay sa Krus, kung saan makasalanang tao lamang ang ginagawaran. At dahil sa pagpapakumbaba ng Diyos at pag-alay ng buhay muli na namang nabigyan ng pag-asa ang taong makapiling muli ang Diyos sa kalangitan. Ito ang pinakamahalagang dapat nating tatandaan kapag Mahal na Araw, ang pagkabuhay. Ginugunita natin ang panahong ito hindi lang para makiisa sa sakit na dinanas ng ating Panginoon, kundi ang masayang pagsalubong sa tagumpay ng kanyang ginawa. Ang mahal na araw ay di lamang para sa mga katoliko na mas nag gugunita nito kundi para sa lahat ng taong niligtas Nya. Maaring may iba't-ibang paraan ang tao pano ito gunitain ngunit ang pinakamahalaga ay ang taos pusong pag-aalay. Maraming sakripisyong ginagawa ang tao pag ganitong panahon, nandyan ang hindi pag kain ng karne, pagliban ng kain, pagdarasal, pagbisita sa iba't-ibang simbahan, pansamantalang pagiwas sa bisyo, pagsunod sa mga gawain ng simbahan at kung ano ano pa. Umiwas nga tayong kumain ng karne ang ipinalit mo naman eh sugpo o lobster, at nagkataong mas mahilig ka pala sa seafood, nasaan ang sakripisyo don. Para sakin ang sakripisyo eh pag iwas sa bagay na gusto gusto mong gawin lalo na't kung ito'y hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat ng ito ay paraan ng pakikiisa, ngunit ang higit sa una na dapat nating iniiwasan ay ang nagpapabigat o nagpapasakit sa ating Panginoon, at ito ang kasalanan.
Marami sa atin na kinalakihan na tuwing Biyernes Santo ay patay ang Diyos, kaya sandamakmak ang ipinagbabawal ng tao, at ang masaklap pa nito binibigyan pang daan ng tao ang mga masasamang espiritu na makapag hari sa mundo. Ang pagkaka-alam ko di namamatay ang Diyos, ang namatay sa Krus eh ang katawang tao Nya, ngunit hindi ang pagka Diyos. Maaring mula sa langit eh tinitingnan Nya muli ang mga taong niligtas Nya tuwing Mahal na Araw at isa isang hinahanap ang may malinis na pusong nag gugunita ng kanyang paghihirap. Hindi lang tuwing Mahal na Araw naghihirap ang Diyos kundi sa tuwing nagkakasala tayo, mas maraming kasalanan mas malalim na hagupit sa katawan, mas maraming pag aalitan mas malalim na pagkabaon ng koronang tinik, mas maraming pag talikod sa kanya at pag alipusta sa kanyang Ina mas malakas na sigaw habang nalalagutan Sya ng hininga, ngunit mas maraming pagsisising tulad ni Dimas, mas maraming pangangakuaan ng kalangitan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment