Monday, April 12, 2010

Kape Shop

Good day! lalo na kung nakapag kape ka kaninang umaga. Nakakainis mang isipin pero parte na ng umaga ko to, minsan pati tanghali,hapon at lalo na pag hating gabi habang nagtatarabaho. At alam kong napakaraming katulad kong Pinoy na kumapit na sa dugo ang pagkahilig sa kape. Papano ba naman, 200 years ago we are the 4th largest supplier ng kape sa buong mundo. Kung hindi lang umabot ang peste sa kapihan dito satin bago mag 1900 siguro hindi lang tayo pang apat, learn our history. May iba't-ibang uri nang nagkakape dito sa'tin, isa na dito yung lasa ng kape ang mahalaga, may trip ang black na halos papakin na lang ang kape ng puro, dito daw kasi malalasahan talaga ang sarap ng kape. Meron namang kailangang may asukal dahil di kaya ang pait ng kape, kaso ang iba sobra kung mag asukal at parang arnibal na ng taho ang iniinom. Pero ang karamihan 3 in 1, kape, asukal at creamer, kasi mas napapalabas daw lalo nito ang sarap ng kape, lalo na kung tama ang timpla. Ang pinoy pa naman kahit sabihin pang maraming side effects ang kape, tira pa din, antioxidants naman daw.

May mga nagkakape naman dahil part na ng social life nila, kaya nga nagkalat ang ibat-ibang international coffee shop dito sa atin lalo na sa mga business area at malls. Nandyan na ang Starbucks, Aoyama Café (Formerly known as UCC Café Plaza), Seattle's Best, Douwe Egberts, pero syempre papatalo ba ang sariling atin lalo na ang Figaro. Kahit gano kamahal ang mga kape dito sandamakmak pa rin ang pumapasok. Kape nga ba talaga ang habol nila o para may matambayan?, eh ano naman basta daw may pambayad ka sa pinakamurang order ayos na yon. Sulit na sulit ka nga naman, pagpalagay mo nang P100 ang pinakamura nilang item eh kung halos matapos mo na yung libro ng Harry Potter, o di kaya naman napag kwentuhan nyo na lahat ng bagay sa mundo, ok din namang waiting area habang nagkakape ka sa QC at ang inaantay mo galing pa sa Alabang. Kung naka wi-fi naman, pwede mo nang tapusin ang thesis mo o mag harvest ng Farmville mo at kung medyo lowbat na laptop mo dahil 2 hours lang ang kaya, pwesto ka na sa may AC outlet. Kung medyo disente ang attire mo try mo rin mag english pag order kahit maiintindihan ka naman ng crew kung tagalog, kung may credit card ka yun na rin ang ibayad mo para lalong burgis. Tapos tawagin mo na yung mga officemate mo at simulan na ang 4 hours meeting. Para di nakakahiya iorder mo rin yung mga kasama mo sa meeting lalo na kung more than 5 na kayo. Kung architectural meeting naman pili ka nang nadudugtong ang mesa kasi pag latag mo ng blue print pang walong katao ang sasakupin non. Minsan nga may love story pa dito, holding hands while drinking coffee pero minsan may away din. Lalong mas ok kung may smoking area, hot coffee at yosi, sarap naman, sabayan mo pa ng soundtrip, make sure lang pre na wag mausukan ang katabi baka mamura ka, buti sana kung english, eh kung tagalog mas masakit sa tenga. Sa dami-dami ng variation ng drinks nila makikita mo pa rin yung kape ang pinunta, pag order ng hot coffee, hahanap ng pwestong walang iistorbo, aamuyin muna ang aroma ng kape bago timplahan at dahan-dahang hinihigupin ang tasang walang takip, at kung maaari ayaw nila sa paper cup which is some coffee shop offers.

Lahat ng ito ay naobserbahan at na experience ko, dahil naging isa rin ako sa mga ito. Mula mapreskohan, hanggang lamigin, hanggang gisingin, minsan hanggang pagsarhan, hanggang nahigop na ng katawan mo ang lahat ng lamig ng aircon nila, hanggang lumubog na yung inupuan mong couch at masama na tingin sa'yo ng crew. Well, this is a free country as long na nagbayad ka ng tax may karapatan ka as consumer, ngayon nasa tao na lang yan kung anong trip nya o kung nakakahalata. Sorry kape shops, bawi na lang kayo sa take-out!

No comments:

Post a Comment