Tuesday, May 4, 2010

Paktay! Sablay!

Napanood mo na siguro sa tv o nabalitaan na sumablay ang computerized balloting sa ginawang mockup election, kundi pa visit mo to http://ph.news.yahoo.com/star/20100504/tph-voting-machines-malfunction-541dfb4.html ,ano masasabi mo? Kundi pa 'to nabalita di ko malalaman na ganon pala kahalaga yung CF (compact flash) na nakakabit sa voting machine. Kung na tsambahan yung mock election ng palyadong CF eh siguradong may sasablay ulit dyan sa election day, sa dinami-dami ba naman ng gagamitin, biruin mo 76,000. Ngayon kailangan nilang irecall at syempre mapipilitan silang itest lahat ng ipapalit, aabot pa kaya sa May 10 yon, malamang sa 2011.

Kung anu-ano tuloy ang naglalaro sa isip ng mga Pilipino nung nangyari 'to, merong failure of election kagad ang nakikitang mangyayari, naku may matutuwa at maraming masasayangan ng pera. Meron namang iniisip na back to basic, hehe manual ulit tutal sanay na naman tayo dito. At least sa manual mas mahirap itakas ang ballot box kaysa sa automated, CF lang pala ang ibulsa o palitan yari na. Mag hire lang ng magaling sa magic trick paktay na, kuneho nga naitatago sa magician hat eh yung CF pa kaya na 43×36×5 mm lang ang dimension kung ang credit card nasisindikato sa sigundong kaskasan lang pwede rin pala sa CF yon, di na nila kailangan ng hacker.

Manual o automated, parehas may sira.. sa susunod botante na ang masisira ang ulo sa nangyayari sa election natin. Sa mga mas nakakaraming mamamayan na nag aantay lang ng election day, wala na tayong magagawa kundi mag intay ng magiging desisyon ng Comelec. Sana naman technical failure lang talaga ang nangyari at walang malisyosong dahilan, dahil kung meron maraming masasayang na hirap, pagod, pera, banners at poster na nagkalat, campaign jingle na masakit sa tenga, political ads na mas mahaba pa sa palabas at naging national anthem na ng mga bata, mga pa-concerts na kahit kandidato kumakanta hindi na lang ipaubaya sa boxer.

Automated election man 'to, tao pa rin ang magpapatakbo ng machine at higit sa lahat tao pa rin ang susubok sa CF (comelec f....). Ano pa ba ang magandang ending dito, syempre "huwag tayo mawalan ng pag-asa" tutal may 2016 pa naman :-(

Wednesday, April 28, 2010

Noy-Bi

Parang kailan lang may bali-balita na may nilulutong Noynoy-Binay tandem, hanggang sa nakita na sa mga stickers at flyers, ngayon may tv ads na. Hindi man magkasama sa isang ads ang pag promote ni Sen. Chiz sa dalawa alam naman ng lahat na may grupong tumutulak na panaluhin sila. Personal choice man ni Sen. Chiz to o may ibang dahilan, nasa panananaw pa rin natin kung mas epektibo bang manggaling sa magkaibang partido ang presidente at bise. Di naman isyu to kay Noynoy at Binay dahil parehas silang makikinabang, ang mas pinauusapan eh ang pag suporta ni Sen. Chiz sa kanila. Tingnan nyo kung ano ang reaksyon ng nakakapanood nito, "Uy! si Chiz..."

Kung supporter ka ni Sen. Chiz tulad ko malaki ang epekto nito, unang-una kaya ka nagiging supporter ng isang politician kasi naniniwala ka sa kakayahan at talino niya unless may iba ka pang dahilan. Pero kung ang sinuportahan niya eh sa tingin mo opposite nang kakayahan niya, susuportahan mo rin ba? Sa kabilang banda maaari ka rin namang maniwala sa paniniwala niya na ang kanidatong napupusuaan niya eh makakabuti rin tulad na paniniwala mo sa kanya. Di naman siguro siya lalantad as supporter kung alam niyang balang araw eh ito ang sisira sa kanya. Di rin naman biro ang pag iiendorso ng kapwa mo politician, nakataya kasi dito ang sarili mong pangalan at dignidad. Kahit papaano swerte rin ni Noynoy at Binay dahil sa dami ng supporter ni Sen. Chiz, malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Sa simpleng mamamayan, ang malinaw lang naman na dahilan ay ang pagsuporta at pagmamahal nila sa yumaong Pres. Cory at ngayoy nagkakaisa para buuin ang pangarap ng dating pangulo sa ating bansa at lalong pag-ibayuhin ng mga bagong maglilingkuran. Pero sa pananaw ng mga kritiko at mga kalaban nila maaring magkaroon ng ibat-ibang anino ang pagkabuo ng Noynoy-Binay. Naapektuhan lang naman dito yung mga supporter ni Noynoy, Binay at Sen. Chiz pero sa iba na walang pakialam sa tatlong 'to, eh ano naman. Galing ba sila sa hirap, o para sa mahirap, kawawa naman yung mayayaman hindi in sa mga campaign quotes at taglines, sabagay meron namang marunong magpalipad ng eroplano don siguro pwede sila.

Kahit anong kulay pa ang manalo, medyo bata pa o matanda, maputi o maitim, marami pang buhok o malapit nang mawala, tuwid maglakad o iika-ika, matalino o medyo magaling, galing sa hirap o para sa mahirap, nawa'y maging iisa at mabuti ang hangarin nila para sa bayan. Bakit? di naman masama ang mangarap.

Sunday, April 18, 2010

Collegtional parang kay Bob

8 years ago naririnig ko na si Roberto "Bob" Ong (di ko pa rin alam kung totoong pangalan) sa mga kaibigan kong mahilig magbasa ng libro, at lately napaguusapan na naman namin siya dahil tuloy tuloy pa rin ang pag published niya ng bagong libro, may 8 libro na siya ngayon pero isa pa lang ang nababasa ko at ito yung unang-una pa. Para sa taong tulad ko na di mahilig magbasa ng libro eh napaka ginto ng oras para umubos ng 135 pages na babasahin sa isang upuan. Nagagawa ko lang to kapag interisado talaga ako sa gusto kong basahin, umpisa pa lang alam ko na kung tatamarin akong tapusin o hindi, kaya kung ang babasahin eh nasa huli lang ang climax ng story, malamang di ko matapos.

Pero nang nabasa ko ang "ABNKKBSNPLAko" masydo akong nakarelate sa kwento niya nung college and vocational life, kasi halos ganon na ganon ang nangyari din sakin, same feelings, same experience. Para sa mga di pa nakakabasa ng libro niya let me share this part. After I graduated high school di ko talaga alam kung ano ang kukunin kong course, pero dahil I have military cousins medyo naengganyo akong mag army, pero sa nipis ng katawan ko at that time parang isang bira palang sakin sa training bibigay na katawan ko. Kaya wala akong choice but to follow where my elder sister enter college, at dahil pasok ang average ko nung high school for Engineering, I took BSECE. Like Bob I tried my best para makapasa sa lahat ng subject pero habang tumatagal nawawala ang interest ko sa pag-aaral, di ko talaga alam ang reason kung bakit. Basta ang alam ko I have problems, my family have problems, at very stressfull ang layo ng bahay sa eskwelahan. Pero ang pinakamabigat na pasanin ko eh yung alam mong pinaghihirapan ng mga magulang mo ang pagpapa-aral sayo ngunit di mo masuklian ng sapat na kabayaran. Kaya tuloy naghanap na lang ako ng ibang pagkakalibangan like being a vocalist & guitarist in a college rock band, gusto ko sana maging katulad ni Eddie Vedder kaso malabo pa sa tubig kanal kaya pati indoor games like dart & table tennis natutunan ko. Sabay na dito ang pagkahilig sa alak at sigarilyo buti na lang maaga rin akong nahintong mag yosi, ikaw ba naman ang di makahinga minsang natutulog. Pero dumating ang point sumuko na ko sa pag-aaral, nagtataka tuloy ang mga classmates ko dahil di nila expected na yung minsang may angas sa class eh biglang sumurender. I remember my last exam before I quit eh naka perfect pa ko sa isang subject, parang nag paparamdam na wag ako sumuko pero hindi, panalo pa din ang damdamin. Nagtawag na ng pardino ang parents ko to encourage me to continue my college pero bigo sila. Don ko napansin na di lang matigas ang ulo ko pati na rin paniniwala ko.

Pero ayoko ko namang biguin ng 100% ang magulang ko kaya after 1 semester na pahinga, I decided to take a vocational course, para kahit papano may totoong diploma naman akong maibigay sa kanila. Yun nga lang tulad ng sabi ni Bob Ong, pag vocational ka laging may kadugtong na LANG! "Vocational Lang!" Masakit mang tanggapin pero ito talaga ang tingin ng maraming nakatataas na tao o may pinag-aralan sa mga vocational grads. At kung sakaling makatsamba ka namang makapsok sa isang malaking company na pinapasukan mo, madalas mapapako ka na lang sa posisyon na meron ka ngayon. May mga incident pa nga na dahil di ka pwedeng maging supervisor o manager dahil di ka college graduate according to HR kailangan pa nilang mag import o ma mag pirate ng ibang employee to be your boss. At ang masaklap nito kailangan mo pang i-train ang boss mo sa galawan ng trabaho nyo, @$!%^&* yun ang boss!

But as life goes natutunan ko na pwede ka rin naman palang humigit sa inaakala ng iba na pwedeng marating ng mga vocational grad, hindi dahil naka tsamba ka sa abroad (tabi-tabi po) kundi dahil may mga nagtiwala sa kakayahan mo. Kaya malaking puhunan ang pagkatao, pagiging tunay na kaibigan at pagiging totoo sa sarili. Kaya isa sa mga natutunan ko sa higher education life ko is, "always have an interest in whatever you want to achieve". At kung dumating ang oras na di ka nag succeed sa first step isipin mo na lang its only a minor setback to INFINITY, dahil yun ang totoo kong Boss.

Monday, April 12, 2010

Kape Shop

Good day! lalo na kung nakapag kape ka kaninang umaga. Nakakainis mang isipin pero parte na ng umaga ko to, minsan pati tanghali,hapon at lalo na pag hating gabi habang nagtatarabaho. At alam kong napakaraming katulad kong Pinoy na kumapit na sa dugo ang pagkahilig sa kape. Papano ba naman, 200 years ago we are the 4th largest supplier ng kape sa buong mundo. Kung hindi lang umabot ang peste sa kapihan dito satin bago mag 1900 siguro hindi lang tayo pang apat, learn our history. May iba't-ibang uri nang nagkakape dito sa'tin, isa na dito yung lasa ng kape ang mahalaga, may trip ang black na halos papakin na lang ang kape ng puro, dito daw kasi malalasahan talaga ang sarap ng kape. Meron namang kailangang may asukal dahil di kaya ang pait ng kape, kaso ang iba sobra kung mag asukal at parang arnibal na ng taho ang iniinom. Pero ang karamihan 3 in 1, kape, asukal at creamer, kasi mas napapalabas daw lalo nito ang sarap ng kape, lalo na kung tama ang timpla. Ang pinoy pa naman kahit sabihin pang maraming side effects ang kape, tira pa din, antioxidants naman daw.

May mga nagkakape naman dahil part na ng social life nila, kaya nga nagkalat ang ibat-ibang international coffee shop dito sa atin lalo na sa mga business area at malls. Nandyan na ang Starbucks, Aoyama Café (Formerly known as UCC Café Plaza), Seattle's Best, Douwe Egberts, pero syempre papatalo ba ang sariling atin lalo na ang Figaro. Kahit gano kamahal ang mga kape dito sandamakmak pa rin ang pumapasok. Kape nga ba talaga ang habol nila o para may matambayan?, eh ano naman basta daw may pambayad ka sa pinakamurang order ayos na yon. Sulit na sulit ka nga naman, pagpalagay mo nang P100 ang pinakamura nilang item eh kung halos matapos mo na yung libro ng Harry Potter, o di kaya naman napag kwentuhan nyo na lahat ng bagay sa mundo, ok din namang waiting area habang nagkakape ka sa QC at ang inaantay mo galing pa sa Alabang. Kung naka wi-fi naman, pwede mo nang tapusin ang thesis mo o mag harvest ng Farmville mo at kung medyo lowbat na laptop mo dahil 2 hours lang ang kaya, pwesto ka na sa may AC outlet. Kung medyo disente ang attire mo try mo rin mag english pag order kahit maiintindihan ka naman ng crew kung tagalog, kung may credit card ka yun na rin ang ibayad mo para lalong burgis. Tapos tawagin mo na yung mga officemate mo at simulan na ang 4 hours meeting. Para di nakakahiya iorder mo rin yung mga kasama mo sa meeting lalo na kung more than 5 na kayo. Kung architectural meeting naman pili ka nang nadudugtong ang mesa kasi pag latag mo ng blue print pang walong katao ang sasakupin non. Minsan nga may love story pa dito, holding hands while drinking coffee pero minsan may away din. Lalong mas ok kung may smoking area, hot coffee at yosi, sarap naman, sabayan mo pa ng soundtrip, make sure lang pre na wag mausukan ang katabi baka mamura ka, buti sana kung english, eh kung tagalog mas masakit sa tenga. Sa dami-dami ng variation ng drinks nila makikita mo pa rin yung kape ang pinunta, pag order ng hot coffee, hahanap ng pwestong walang iistorbo, aamuyin muna ang aroma ng kape bago timplahan at dahan-dahang hinihigupin ang tasang walang takip, at kung maaari ayaw nila sa paper cup which is some coffee shop offers.

Lahat ng ito ay naobserbahan at na experience ko, dahil naging isa rin ako sa mga ito. Mula mapreskohan, hanggang lamigin, hanggang gisingin, minsan hanggang pagsarhan, hanggang nahigop na ng katawan mo ang lahat ng lamig ng aircon nila, hanggang lumubog na yung inupuan mong couch at masama na tingin sa'yo ng crew. Well, this is a free country as long na nagbayad ka ng tax may karapatan ka as consumer, ngayon nasa tao na lang yan kung anong trip nya o kung nakakahalata. Sorry kape shops, bawi na lang kayo sa take-out!

Thursday, April 1, 2010

Mahal na Mahal na Araw

Good Day! The title is not a typo error, this is really I want to title this article, why? Unang-una sinulat ko to ngayong Huwebes Santo at pangalawa may naalala na naman akong linya pagkatapos na naman naming panoorin ng family ko ang isa sa favorite movie naming "Evan Almighty". There's a line in the movie that I know everybody knows, it says, "I only do this because I love you". This is a very common line kung ang nagsabi sayo e kapwa mo tao rin, pero kung Diyos ang nagsabi sayo nito, hindi lang sa puso ito tatagos kundi hanggang kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit may Mahal na Araw, at wala nang iba, dahil sa labis na pagmamahal Nya sa tao sa simula pa lang nilikha Nya na tayo na kawangis Nya. Ngunit nang nagkasala ang unang tao, tuluyan nang nagsara ang langit para sa atin, at kahit ilang beses pa silang maghirap at mamatay di nila kayang bayaran ang kasalanan nila dahil sa bigat ng pinagkasalanan, remember kasama nila mismo ang DIyos kaya direkta silang sumuway sa harapan Niya.

Kaya sino ang pwedeng tumubos nito?, eh di ang Diyos din na lumikha sa kanila, pero bakit Nya gagawin yon, mababawasan ba ang pagka Diyos Nya kung di na muling makapasok ng langit ang tao. Maaring hindi, being Almighty, there's nothing in this world na makakabago non. Pero merong umaaapaw sa Diyos na naging dahilan kung bakit kailangan Nyang gawin na magkasatawang tao at mabayubay sa Krus, at ito ang labis na pagmamahal. Hindi mapagmahal ang Diyos, dahil sya mismo ang pagmamahal, maaring corny sa iba na nakikita nila kung saan saan ang katagang "God is Love", but it's true, He is the love, at dahil Sya ang pagmamahal sa kanya lang tayo pwedeng makakuha non para maging mapagmahal tayo sa kapwa natin.

Dahil tao ang nagkasala, sa natural na paraan ng tao Nya kailangan tubusin ang kasalanan, at ang pinaka mabigat na maaring mangyari sa tao ang niyakap Nya. Hindi lang basta mamatay kundi ang mamatay sa Krus, kung saan makasalanang tao lamang ang ginagawaran. At dahil sa pagpapakumbaba ng Diyos at pag-alay ng buhay muli na namang nabigyan ng pag-asa ang taong makapiling muli ang Diyos sa kalangitan. Ito ang pinakamahalagang dapat nating tatandaan kapag Mahal na Araw, ang pagkabuhay. Ginugunita natin ang panahong ito hindi lang para makiisa sa sakit na dinanas ng ating Panginoon, kundi ang masayang pagsalubong sa tagumpay ng kanyang ginawa. Ang mahal na araw ay di lamang para sa mga katoliko na mas nag gugunita nito kundi para sa lahat ng taong niligtas Nya. Maaring may iba't-ibang paraan ang tao pano ito gunitain ngunit ang pinakamahalaga ay ang taos pusong pag-aalay. Maraming sakripisyong ginagawa ang tao pag ganitong panahon, nandyan ang hindi pag kain ng karne, pagliban ng kain, pagdarasal, pagbisita sa iba't-ibang simbahan, pansamantalang pagiwas sa bisyo, pagsunod sa mga gawain ng simbahan at kung ano ano pa. Umiwas nga tayong kumain ng karne ang ipinalit mo naman eh sugpo o lobster, at nagkataong mas mahilig ka pala sa seafood, nasaan ang sakripisyo don. Para sakin ang sakripisyo eh pag iwas sa bagay na gusto gusto mong gawin lalo na't kung ito'y hindi naaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat ng ito ay paraan ng pakikiisa, ngunit ang higit sa una na dapat nating iniiwasan ay ang nagpapabigat o nagpapasakit sa ating Panginoon, at ito ang kasalanan.

Marami sa atin na kinalakihan na tuwing Biyernes Santo ay patay ang Diyos, kaya sandamakmak ang ipinagbabawal ng tao, at ang masaklap pa nito binibigyan pang daan ng tao ang mga masasamang espiritu na makapag hari sa mundo. Ang pagkaka-alam ko di namamatay ang Diyos, ang namatay sa Krus eh ang katawang tao Nya, ngunit hindi ang pagka Diyos. Maaring mula sa langit eh tinitingnan Nya muli ang mga taong niligtas Nya tuwing Mahal na Araw at isa isang hinahanap ang may malinis na pusong nag gugunita ng kanyang paghihirap. Hindi lang tuwing Mahal na Araw naghihirap ang Diyos kundi sa tuwing nagkakasala tayo, mas maraming kasalanan mas malalim na hagupit sa katawan, mas maraming pag aalitan mas malalim na pagkabaon ng koronang tinik, mas maraming pag talikod sa kanya at pag alipusta sa kanyang Ina mas malakas na sigaw habang nalalagutan Sya ng hininga, ngunit mas maraming pagsisising tulad ni Dimas, mas maraming pangangakuaan ng kalangitan.

Friday, March 26, 2010

Rakista

This one goes to those who bang their head or looking at nowhere while listening to their rock music. Pero ito ba talaga ang rakista, o rakista ka sa fashion, sa attitude o higit sa lahat sa music.

Rakista in music. Kung buhay ka na ng 50' or early 60's kung kelan nag start ang rock music pwede ka na. Kasi from rock and roll to electronic rock di nawawala ang rock music sa mainstream, padami ng padami na ang subgenre ng rock music, check this list at alamin kung ano ang trip mo. Kung wala kang trip sa list na yan malamang di ka rakista, maaring ang trip mo eh ballad o orchestra, pero ayos lang yan at least mahilig ka sa music. Ito kasi minsan ang maling perception ng mga mahilig sa rock music, dinidiscriminate nila yung mga hindi nila kabilang, ang dating tuloy, baduy. Para sa akin, wag mong pakialaman ang music trip ng iba, ika nga ng iba, walang basagan ng trip.

Minsan, dahil sa lawak ng subgenre ng rock music sila sila rin nag tatalo-talo, nangyayari mas lite mas baduy, mas maraming makeup mas bakya. Kaya dumami ang klase ng rock ay dahil na rin sa different artistic expression ng artist at culture, kaya nakaka imbento sila ng sarili nilang tune & style. Para sakin mas expressive kasi ang lyrics coming from rock music, lalo na kung mahilig ka sa social and political issues. Reflection din ng lyrics nila yung album cover, kaya inaabangan ng mga rakista ang artwork ng album cover, lalo na nung 90's. Remember the GNR's "Use your illusion" albums or Iron Maiden's albums, grabe di bali nang di makapag recess sa school makaipon lang ng pambili ng tape nila. At meron mas higit pa sa pagiging listener ang trip, kung hindi to make their own music or cover other music, ito na yung mga band members. Mas feel nila kung kinakanta o tinutugtog nila yung music na nakaka influenced sa kanila. Pati tuloy detalye ng bawat kanta, tulad ng tono, galaw, at lalim ng lyrics eh sinasapuso na, kaya kahit videoke katalo na. Minsan tuloy nagkakaroon ng negative effect sa lifestyle and attitude ang isang rakista.

Rakista in fashion. Ano ba talaga dapat itsura mo pag rakista ka? Yung iba dumedepende sa ina idol nilang band, yung iba naman nagpapapansin lang at ang iba walang pakialam kung ano ang suot. Di kailangan mukha kang mabaho o mabaho mismo para mag mukhang rakista, long hair o kalbo, butas ang pantalon o baston, at lalong di kailangang nak itim lagi na kala mo laging namatayan, mahalaga feel mong rakista ka sa suot mo ayos na yon. May rakistang mas feel pag nakasuot ng rock band shirt or cover album, parang ako yon ah.. pero di lang ako, marami rin naging fan ng "Top 40" shirt, ito kasi yun patok na rock t-shirt nung 90's, at syempre para samin hanggang ngayon, kahit marami nang nag lalabasan na tulad nila. Meron may mas creative, yung nag dedesign ng sariling rock artwork, para skin mas patok to. Yung iba, part of being a rocker is to be artistic & weird kaya nga yung iba sa mukha na lang ine-express, kung kailangan mag eyeliner ang lalaki ayos lang basta feel mong punk rock o emo ka. Meron pa ngang naka leather jacket kahit mainit, malamang di ka rakista fan ka lang ni James Dean o ni Binoy. Ikaw, ano itsura mo?

Rakista in attitude. Ito ang mas importante, kasi hindi purkit rakista ka dapat bad boy ka o dapat di ka naniniwala sa Diyos. Marami sa atin na pag rakista ang itsura, ang unang akala eh drug addict, babaero, lasenggo, yosi boy at pinaka masaklap eh pag kamalan kang anti-Kristo. Wala pa kong na meet na tao na ang dating ng rakista sa kanila eh mabait. Kaya nga dahil sa kabi-kabilang batikos sa rock music nang kung sino-sino at anu-anong samahan sa ibang bansa nagkaroon tuloy ng Christian Rock, para lang patunayan sa iba na hindi purkit may vocal, guitarist, bassist at drummer eh influenced na ng sex, drug & rock n' roll.

Sa totoo lang masyado tong malawak to share, anyway ROCK N'ROLL!

Monday, March 22, 2010

RATM

Good day! Part of my daily routine is listening to my music, parang kape sa umaga, and today's menu, RATM better known as Rage Against The Machine. They are the most popular and influential political band in the US and international. Pero hindi sila ang gusto ko i-share, but only the possible meaning of their band name, kung saan maraming musical critics na may ibat-ibang pangangahulugan, ngunit iisa lang ang tumbok nila, and that is "A rebellion to the authority".

Marami na kasing natapos na termino at ngayon may matatapos na naman. Taon-taon na lang nagsasawa ang gobyerno natin sa protesta ng taong bayan, kelan kaya ito matatapos? Ang kandidatong bang iboboto natin eh siguradong mapapatakbo ang bayan na lahat masisiyahan o makukuntento man lang, mukhang malabo sa katotohanan pero syempre di pa rin tayo nawawalan ng pag-asa, pag-asang mag himala. Marami na akong nakausap na kaibigan tungkol sa darating na eleksyon, yung iba may paninindigan sa iboboto nila, yung iba naman ayos lang at meron ding di alam kung sino iboboto. Sa totoo lang di naman natin talaga sila kilala bilang tao o mismong pagkatao, unless kapamilya mo sila, matalik na kaibigan o malapit na ka-trabaho. Kaya may mga taong tapat o naniniwala sa isang pulitiko eh dahil nakikinabang sila o nararamdaman nila yung paglilingkod nito. Eh papaano yung mga taong di nila inabot o yung mga taong napangakuaan nila noon nung nangangampanya pa lang sila, wala! Kaya kahit sino ang umupo laging may mangangalit o maghihinanakit, lalo na kung nasilipan pa natin na may kasalanang nagawa sa bayan.

Di tayo pwedeng umasa lang sa campaign ads o mga talakayan na napaanood natin sa TV, dahil kahit sino sa kanila puro kabutihan o pabor sa kanila ang sasabihin. Kung kailangang sabihin na galing sila sa hirap, o susundin ang yapak ng magulang, o magpakilalang anak sila ng dating naunungkulan at ang walang kamatayang di sila magnanakaw, gagawin nila. Di naman tayo pwedeng mag padikta sa mga nakatatanda sa atin o lider natin, dahil kanya kanyang karapatan to, unless ikaw mismo ang humingi ng payo sa kanila kung sino ang dapat mong iboto. Kaya mga may age bracket ang pwedeng bumoto, para may sarili ka nang pagpapasya sa pinaniniwalaan mo. O pano yan, ano ba talaga ang basehan natin para makapili ng tamang kandidato, para naman di tayo magkamali at maiwasan na tong pagngangalit ng tao sa nakaupo. Posible ba talagang mangyayari to? kasi yung mga hindi pabor sa pagkapanalo nang uupo ang unang-unang gagawa ng hakbang upang matanggal sa pwesto.

Sana di tayo boboto para ma experience lang, o para di masayang ang karapatan mo, o wala lang magawa sa bahay, o para in ka lang sa marami, o para lang magka indelible ink tayo sa daliri, o para lang sa libreng meriendang iaabot sa labas ng mga nangangampanya dahil nginitiaan mo sila bago ka bumoto, o para magka pera, o para di ka awayin ng GF o BF mo dahil hindi mo binoto ang boss nya, o di ka bibigyan ng allowance ng nanay mo pag di mo binoto ang kumpare nya, o para maipasok ka sa trabaho pag nanalo yung binoto mo, o dahil tinakot kang tatangalin ka sa trabaho, o para masali ka sa kwentuhan pagkatapos at ipagmalaking nakakita ka na ng automatic poll machine, tao ka na, o kung ano ano pang nasa isip nyo na di dapat.

Lahat tayo may pinaniniwalaang magbibigay ng pag-asa sa bayan, pero sa atin na lang yon, at hindi purkit naniniwala tayo sa kanya, dapat ganon na sila lahat. Kung sakaling binigo tayo ng taong pinaniniwalaan nating magbibigay ng pag-asa, mananahimik na lang ba tayo or we will stand for our rights?

Sunday, March 21, 2010

Kundinahin o Kunsintihin

Good day! Itong title na 'to ang pambungad na salita ng aming pari this sunday mass, very strong words. May mga salita o pangungusap na mabilis magtatak sa isip ko, tulad nito. Ito rin kasi ang nilapat nya sa gospel kung saan, minsan sa buhay ng ating Panginoon kailangan Niyang magdesisyon, na Diyos lamang ang makakagawa. Ito ay nung tinanong siya ng mga tao kung ano ang gagawin kay Magdalena, patawarin o batuhin? Para nga naman Siyang naipit sa dalawang nag-uumpugang bato, pag sinabi Niyang batuhin, mananagot Siya sa emperyo ng Roma at lalabas na malupit Siya sa mga makasalanan, at ito ay isang pagkukundina. Ngunit kung sasabihin Niya namang hayaan at palayain, para naman Niyang kinukunsinti ang mga makasalanan. Pero ano ang nangyari? Diba't sinabi Niya sa mga tao na kung sino ang walang kasalanan siya ang unang bumato.

Isa ito sa mga pagbasa na di ko nakakalimutan simula ng narinig ko ito sa misa, nawala tuloy antok ko, napapanahon kasi ito sa pang araw-araw nating pamumuhay. Napakadali kasi para sa ating manghusga ng kapwa lalo na sa taong nagkasala sa atin. Minsan nga napanood lang natin sa tv, tinutuldukan na natin kasi nga naman sikat na tao ang nagsalita kaya mukhang kapani-paniwala. Ine-relate ng pari namin ang gospel sa issue ng kondom dito sa Pilipinas, dahil sa di pag sang-ayon ng simbahan sa pag popondo ng gobyerno sa kondom, nasisisi pa tuloy ang simbahan na kinukunsinti nito ang paglaganap ng aids.

Unang-una gaano ba kasigurado ang gobyerno na uunti ang may aids pag mura o libre na lang ang kondom, lalo na kung abot kamay na lang nito ng mga kabataan. Eh pag nasa kamay na nila to, alangan namang palobohin lang nila ito at paliparin, natural kaya nga sila meron non dahil curious sila pano gamitin. At lalong tayong magkakalakas ng loob na sumubok sa iba dahil akala natin safe na tayo. Ika nga ni padre, kahit mag suot ka ng kapote, kapag nag laro ka ng apoy siguradong mapapaso ka pa rin. Kaya nga para di tayo mapaso isipin mo pa lang maglaro, putulin mo na. Ang kailangan natin para mabawasan o tuluyang mawala ang aids eh solusyon hindi alternatibong pamamaraan. And for me the best solution is to teach, practice and live the good life according to God's will. Ang aids ay resulta ng pagkakamali o pagkakasala ng tao, kaya kundinahin natin ang kasalan at hindi ang nagkasala.

Friday, March 19, 2010

Artículo Principal

As a start of my first blog, I’d thought of a title that will obviously relate to this article, halata ba? Dapat iintayin kong may pumasok sa kukote kong bagay o sitwasyon na gusto kong i-post, kaso sayang naka ready na yung site wala pang laman, tsaka na muna yung galing sa inspirasyon. Tumingin-tingin ako sa paligid ng workstation ko, ang una kong nakita yung ID ko ng team chiz, eh di naman napapanahon si Chiz ngayon, tsaka medyo engot ako sa pulitika, ang alam ko lang siraan silang lahat. Ooops, ayon nakita ko yung isa sa mga motto ko sa buhay, “The only difference between good day and bad day is your attitude.”

Naalala ko nabasa ko lang ito sa isang libro, at dahil sang-ayon ako sa nakasulat, tinandaan ko na siya at inilagay ko sa harapan ng lugar kung saan nauubos ang oras ko, sa harap ng pc. Siguro napansin na rin ito ng mga taong nakapasok na sa mansion namin, sa mga hindi pa, o eto click mo itong photo sa kanan.
Ang gulo ng workstation ko no, ganon daw talaga pag artist, kaya nga kailangan kong guluhin araw-araw.

Back to my motto, tama na ang sarili nating ugali ang nagpapa pangit ng araw natin. Kasi people are not perfect, same with this world, kaya araw-araw kang dadaanan ng nakakainis na pangyayari sa buhay. Kahit maliit o walang kwentang bagay pwede mong kaiinisan pag ginusto mo at pwede mo ring palampasin kung kakayanin mo. Halimbawa, natapon mo yung kape mo sa umaga, bad trip yon, eh eto pa naman minsan ang inuuna ng tao kaysa mag dasal ng pasasalamat at nagising pa siya. Magsisimula ka nang sumimangot at pag nasundan pa ng ibang pangyayari lalo nang maiipon ang inis mo hanggang sa maging galit. Pero sino ba ang may kasalanan sa simula pa lang, di ba ikaw?

Bad attitude, ito ang pinaka mahirap tanggalin sa atin, minsan kasi kala natin tama at minsan ine-enjoy pa natin. Minsan naman ang nagiging dahilan nito is our bad experiences and too much problems. Pero maniwala ka kung pera ang problema mo, lahat nang tao problema yan, try mo tanungin kahit yung pinaka mayaman sa inyo kung may pera sya, sasagot sa’yo, wala! Pero kung sisimulan mo ang araw mo ng dasal at pag-asa, darating na lang bigla solusyon ng hindi mo namamalayan at madalas not in your time, but in Him.

I do believe that good day starts with a good heart. According to Blessed Mother Teresa, “Let us always meet each other with a smile, for the smile is the beginning of love.” Hindi kayang paalatin ng isang butil na asin ang isang kutsarang asukal, kaya the more sweetness in life, the less the chance of pain.

Let our attitude be the reason of our good day, and humility is our weapon to fight our bad day, this is the foundation of all other virtues.