Tuesday, May 4, 2010

Paktay! Sablay!

Napanood mo na siguro sa tv o nabalitaan na sumablay ang computerized balloting sa ginawang mockup election, kundi pa visit mo to http://ph.news.yahoo.com/star/20100504/tph-voting-machines-malfunction-541dfb4.html ,ano masasabi mo? Kundi pa 'to nabalita di ko malalaman na ganon pala kahalaga yung CF (compact flash) na nakakabit sa voting machine. Kung na tsambahan yung mock election ng palyadong CF eh siguradong may sasablay ulit dyan sa election day, sa dinami-dami ba naman ng gagamitin, biruin mo 76,000. Ngayon kailangan nilang irecall at syempre mapipilitan silang itest lahat ng ipapalit, aabot pa kaya sa May 10 yon, malamang sa 2011.

Kung anu-ano tuloy ang naglalaro sa isip ng mga Pilipino nung nangyari 'to, merong failure of election kagad ang nakikitang mangyayari, naku may matutuwa at maraming masasayangan ng pera. Meron namang iniisip na back to basic, hehe manual ulit tutal sanay na naman tayo dito. At least sa manual mas mahirap itakas ang ballot box kaysa sa automated, CF lang pala ang ibulsa o palitan yari na. Mag hire lang ng magaling sa magic trick paktay na, kuneho nga naitatago sa magician hat eh yung CF pa kaya na 43×36×5 mm lang ang dimension kung ang credit card nasisindikato sa sigundong kaskasan lang pwede rin pala sa CF yon, di na nila kailangan ng hacker.

Manual o automated, parehas may sira.. sa susunod botante na ang masisira ang ulo sa nangyayari sa election natin. Sa mga mas nakakaraming mamamayan na nag aantay lang ng election day, wala na tayong magagawa kundi mag intay ng magiging desisyon ng Comelec. Sana naman technical failure lang talaga ang nangyari at walang malisyosong dahilan, dahil kung meron maraming masasayang na hirap, pagod, pera, banners at poster na nagkalat, campaign jingle na masakit sa tenga, political ads na mas mahaba pa sa palabas at naging national anthem na ng mga bata, mga pa-concerts na kahit kandidato kumakanta hindi na lang ipaubaya sa boxer.

Automated election man 'to, tao pa rin ang magpapatakbo ng machine at higit sa lahat tao pa rin ang susubok sa CF (comelec f....). Ano pa ba ang magandang ending dito, syempre "huwag tayo mawalan ng pag-asa" tutal may 2016 pa naman :-(

Wednesday, April 28, 2010

Noy-Bi

Parang kailan lang may bali-balita na may nilulutong Noynoy-Binay tandem, hanggang sa nakita na sa mga stickers at flyers, ngayon may tv ads na. Hindi man magkasama sa isang ads ang pag promote ni Sen. Chiz sa dalawa alam naman ng lahat na may grupong tumutulak na panaluhin sila. Personal choice man ni Sen. Chiz to o may ibang dahilan, nasa panananaw pa rin natin kung mas epektibo bang manggaling sa magkaibang partido ang presidente at bise. Di naman isyu to kay Noynoy at Binay dahil parehas silang makikinabang, ang mas pinauusapan eh ang pag suporta ni Sen. Chiz sa kanila. Tingnan nyo kung ano ang reaksyon ng nakakapanood nito, "Uy! si Chiz..."

Kung supporter ka ni Sen. Chiz tulad ko malaki ang epekto nito, unang-una kaya ka nagiging supporter ng isang politician kasi naniniwala ka sa kakayahan at talino niya unless may iba ka pang dahilan. Pero kung ang sinuportahan niya eh sa tingin mo opposite nang kakayahan niya, susuportahan mo rin ba? Sa kabilang banda maaari ka rin namang maniwala sa paniniwala niya na ang kanidatong napupusuaan niya eh makakabuti rin tulad na paniniwala mo sa kanya. Di naman siguro siya lalantad as supporter kung alam niyang balang araw eh ito ang sisira sa kanya. Di rin naman biro ang pag iiendorso ng kapwa mo politician, nakataya kasi dito ang sarili mong pangalan at dignidad. Kahit papaano swerte rin ni Noynoy at Binay dahil sa dami ng supporter ni Sen. Chiz, malaki ang maitutulong nito sa kanila.

Sa simpleng mamamayan, ang malinaw lang naman na dahilan ay ang pagsuporta at pagmamahal nila sa yumaong Pres. Cory at ngayoy nagkakaisa para buuin ang pangarap ng dating pangulo sa ating bansa at lalong pag-ibayuhin ng mga bagong maglilingkuran. Pero sa pananaw ng mga kritiko at mga kalaban nila maaring magkaroon ng ibat-ibang anino ang pagkabuo ng Noynoy-Binay. Naapektuhan lang naman dito yung mga supporter ni Noynoy, Binay at Sen. Chiz pero sa iba na walang pakialam sa tatlong 'to, eh ano naman. Galing ba sila sa hirap, o para sa mahirap, kawawa naman yung mayayaman hindi in sa mga campaign quotes at taglines, sabagay meron namang marunong magpalipad ng eroplano don siguro pwede sila.

Kahit anong kulay pa ang manalo, medyo bata pa o matanda, maputi o maitim, marami pang buhok o malapit nang mawala, tuwid maglakad o iika-ika, matalino o medyo magaling, galing sa hirap o para sa mahirap, nawa'y maging iisa at mabuti ang hangarin nila para sa bayan. Bakit? di naman masama ang mangarap.

Sunday, April 18, 2010

Collegtional parang kay Bob

8 years ago naririnig ko na si Roberto "Bob" Ong (di ko pa rin alam kung totoong pangalan) sa mga kaibigan kong mahilig magbasa ng libro, at lately napaguusapan na naman namin siya dahil tuloy tuloy pa rin ang pag published niya ng bagong libro, may 8 libro na siya ngayon pero isa pa lang ang nababasa ko at ito yung unang-una pa. Para sa taong tulad ko na di mahilig magbasa ng libro eh napaka ginto ng oras para umubos ng 135 pages na babasahin sa isang upuan. Nagagawa ko lang to kapag interisado talaga ako sa gusto kong basahin, umpisa pa lang alam ko na kung tatamarin akong tapusin o hindi, kaya kung ang babasahin eh nasa huli lang ang climax ng story, malamang di ko matapos.

Pero nang nabasa ko ang "ABNKKBSNPLAko" masydo akong nakarelate sa kwento niya nung college and vocational life, kasi halos ganon na ganon ang nangyari din sakin, same feelings, same experience. Para sa mga di pa nakakabasa ng libro niya let me share this part. After I graduated high school di ko talaga alam kung ano ang kukunin kong course, pero dahil I have military cousins medyo naengganyo akong mag army, pero sa nipis ng katawan ko at that time parang isang bira palang sakin sa training bibigay na katawan ko. Kaya wala akong choice but to follow where my elder sister enter college, at dahil pasok ang average ko nung high school for Engineering, I took BSECE. Like Bob I tried my best para makapasa sa lahat ng subject pero habang tumatagal nawawala ang interest ko sa pag-aaral, di ko talaga alam ang reason kung bakit. Basta ang alam ko I have problems, my family have problems, at very stressfull ang layo ng bahay sa eskwelahan. Pero ang pinakamabigat na pasanin ko eh yung alam mong pinaghihirapan ng mga magulang mo ang pagpapa-aral sayo ngunit di mo masuklian ng sapat na kabayaran. Kaya tuloy naghanap na lang ako ng ibang pagkakalibangan like being a vocalist & guitarist in a college rock band, gusto ko sana maging katulad ni Eddie Vedder kaso malabo pa sa tubig kanal kaya pati indoor games like dart & table tennis natutunan ko. Sabay na dito ang pagkahilig sa alak at sigarilyo buti na lang maaga rin akong nahintong mag yosi, ikaw ba naman ang di makahinga minsang natutulog. Pero dumating ang point sumuko na ko sa pag-aaral, nagtataka tuloy ang mga classmates ko dahil di nila expected na yung minsang may angas sa class eh biglang sumurender. I remember my last exam before I quit eh naka perfect pa ko sa isang subject, parang nag paparamdam na wag ako sumuko pero hindi, panalo pa din ang damdamin. Nagtawag na ng pardino ang parents ko to encourage me to continue my college pero bigo sila. Don ko napansin na di lang matigas ang ulo ko pati na rin paniniwala ko.

Pero ayoko ko namang biguin ng 100% ang magulang ko kaya after 1 semester na pahinga, I decided to take a vocational course, para kahit papano may totoong diploma naman akong maibigay sa kanila. Yun nga lang tulad ng sabi ni Bob Ong, pag vocational ka laging may kadugtong na LANG! "Vocational Lang!" Masakit mang tanggapin pero ito talaga ang tingin ng maraming nakatataas na tao o may pinag-aralan sa mga vocational grads. At kung sakaling makatsamba ka namang makapsok sa isang malaking company na pinapasukan mo, madalas mapapako ka na lang sa posisyon na meron ka ngayon. May mga incident pa nga na dahil di ka pwedeng maging supervisor o manager dahil di ka college graduate according to HR kailangan pa nilang mag import o ma mag pirate ng ibang employee to be your boss. At ang masaklap nito kailangan mo pang i-train ang boss mo sa galawan ng trabaho nyo, @$!%^&* yun ang boss!

But as life goes natutunan ko na pwede ka rin naman palang humigit sa inaakala ng iba na pwedeng marating ng mga vocational grad, hindi dahil naka tsamba ka sa abroad (tabi-tabi po) kundi dahil may mga nagtiwala sa kakayahan mo. Kaya malaking puhunan ang pagkatao, pagiging tunay na kaibigan at pagiging totoo sa sarili. Kaya isa sa mga natutunan ko sa higher education life ko is, "always have an interest in whatever you want to achieve". At kung dumating ang oras na di ka nag succeed sa first step isipin mo na lang its only a minor setback to INFINITY, dahil yun ang totoo kong Boss.